Entry: past life--may Monday, June 07, 2004



Monday, May. 03, 2004
crunchtime

Seven days to go before election, sabi ni dad iking, "grabe nak, crunchtime na!" Nakakatuwang makita ang mga christians an nag-unite to campaign for Bro. Eddie. Pati mga bata at teenager na hindi pa botante, nakikialam na..alam kasi nila na para sa kinabukasan din nila ang ginagawa nila. Pati nanay ko sobrang hyper pag election na ang topic. I know I've done so little to help in this election. Sana tumulong ako sa voter's education campaign. Sana regular akong nakipagpray for the election. Pero kahit papaano nabigyan ako ng chance na maging part nito.

Last sunday, nag-motorcade sa buong marikina ang mga maka-bro. eddie. Akala ko mga 10 cars lang ang sisipot. Pero nagulat ako kasi 110 cars ang pumila para ipakita nag suporta kay bro. eddie. Sumama ako, kahit alas-dos pa iyon ng tanghali, sobrang init ng araw, kahit sa likod kami ng pick-up sasakay, at kahit alam kong di lahat ng tao ay katulad ng pinaniniwalaan ko. ang mahalaga, kahit sa maliit na bagay,tulad ng pagsuot ng bro. eddie t-shirt, sa pag kumbinse ng mga tao na bumoto sa kanya at sa pag-hiyaw ng "pagbabago! pagbabago!" ay naipakita ko ang aking convictions.

Sa pag-ikot namin, madami ang gumagaya sa V-sign namin. Sana totoong iboboto nila si Bro. eddie. Ang iba naman, nang-aasar, nilabas nila mga kalendaryo nilang FPJ at binu-boo kami. Sabi ko kay leah, kawawa naman tyo pag sya nanalo. Pero kaya nga nangangampanya, kasi may pag-asa pa. Sa totoo lang parang nakakatakot matapos ang linggong ito. Pero alam kong kahit ano mangyari ang Panginoon ang may hawak sa ating bansa. Kailangan lang natin manalangin at palakasin ang ating paniniwala. Nabasa ko yung nasa likod ng t-shirt ni leah... "The world is too poor to nuy my convictions and principles-bro. eddie"

Let's vote wisely this coming elections, para na rin sa kinabukan natin. Di na ko nahihiyang aminin na mahal ko pa rin ang Pilipinas, kahit ano pa sabihin ng mga tao.

Sunday, May. 09, 2004
what if i die tomorrow?

I asked this question to my bestfriend last night. What if I'll be shot dead becasue I'm fighting fr bro. eddie's vote. Exaggerated but can be true. I'll be a poll watcher tom at marikina. I'm excited at the same time nervous on what's going to happen. Specially during the counting of the votes.

Ano kaya talaga no? Then I'll be a hero..or just an additional statistic to political crimes. But whatever happens tomorrow, i'll leave it all to God. I just have to be there and do something worthy for my country an dmy future. Okay, tama na drama! Vote for Eddie Villanueva!

Wednesday, May. 12, 2004
mga kwento nung eleksyon

Buhay pa ako! Madami akong kwento sa pag-popoll watch ko nung lunes.

5:30am Nagising ako ng maaga kahit hindi ako nag-alarm. Excited kasi akong mag-pollwatcher, first time ko kasi itong gagawin. Ginising ko ang kuya ko kasi sabi nya sabay daw kaming pumunta ng marikina. Doon kasi kami boboto.

6:30am Umalis na kami ng bahay ni kuya. Kaunti pa lang ang tao sa kalsada. Sabi ng kuya ko, daan muna kami ng seven-eleven para bumili ng baon ko. Sabi ko, sige kahit tubig at biscuit lang, okay na. Pagdating sa seven-eleven, kung anu-ano nag kinuha ni kuya, isang pakete ng blueskies, malaking tortillos, isang chips ahoy, isang balot ng hopia (alam niyang favorite ko ito), mentos, timeout at curly tops. Tawa ako ng tawa habang kinukuha nya ang mga ito, sabi ko sa kanya mag-popollwatch ako, hindi magfi-fieldtrip. Sabi niya, mabuti na raw ang handa, ayaw niya akong magutom.

7:00am Kaunti pa lang ang tao sa loob ng presinct. Andun na ang 2 pollwatcher ni GMA at 2 pollwatcher ni FPJ. Walang taga-bantay si Roco At Ping. Pinasulat ako sa Election Minutes ng Chairman. Mukhang masusungit ang mga KNP watchers. Nakakatakot naman ang mga watchers ni GMA. PUmunta ako sa likod ng mga teacher pata doon mag-bantay.

8:30am Dumagsa ang tao para bumoto. Mahaba ang pila, mainit at maingay. Nakita ko ang mga kalaro ko dati ng habulan. Ang tanda na nila, at mukhang may mga asawa na rin. Nakita ko rin ang tindera sa paborito kong sari-sari store, medyo may puting buhok na at mukhang pumayat. Maraming nakakatawang eksena. Tulad ng isang ale na pinipilit nyang sa kanila siyang presinto boboto, e sa amin nakalista ng pangalan niya. Ang kulit, nagwawala. Pero sa huli, bumigay din. May mga mag-asawa naman na nagkokopyahan ng boto. Pero may isang mag-asawa na nag-aaway palabas dahil, BRo. eddie ang binoto ng babae at hindi FPJ. Meron naman lola na bumoto na may dalang herbal na bote. Tiannong namin kung ano yun, sabi nya fountain of youth daw. Nagtawanan kaming lahat. Ang kulit nya kasi. Iba-iba ang bumoto, may excited, may napilitan. May masaya, may badtrip. May naka-porma at may mukhang kababangon lang sa higaan. Pero napansin kong walng gwapong bumoto sa presintong binabantayan ko. Talagang extinct na ang mga gwapo nagyon.

12:30pm Hinatid ni hazel ang lunch ko. Chicken meal ng McDo at dessert na gawa ni tita neng na Sunday ko pa gusto kainin pero sabi niay wag muna daw. Dinalahan din ako ng bangon pero sabi ko, meron na ko. Kasabay kong kumain ang watchers ni GMA. Tinanong nila ako kung may kapalit ako sa counting. Sabi ko, wala, dire-diretso ang pag-babantay ko. Nagulat sila, kasi mukha daw akong hindi tatagal. Sabi ko, kaya ko, kakatapos lang kasi ng thesis namin akya sanay pa sa puyatan. Sabi ko din na libre ang pag-babantay namin, walang bayad, mual sa kaibuturan ng puso namin ang ginagawa namin. Nabilib sila, meron pa daw pa alng mga taong ganun.

3:20pm Sinarado ang presinto dahil tapos na ang botohan. Inayos na namin ang silid-aralan para ihanda sa bilangan. KAming mga pollwatchers ang nag-ayos ng tally-sheets at elction returns. Tapos, tinawag ako ng chairman para tulungan sya sa pagbukas ng mga balota. Natuwa ako kasi ako lang ang pollwatcher na pinahawak sa mga balota.

4:30pm Simula na ng bilangan! Madaming GMA, madami rin ang FPJ. Pero sa tuwing tatawagin sa Villanueva, pumapalakpak ako. Kahit ako lang mag-isa. Tapos umamin sa akin ang GMA pollwatchers na si Eddie ang binoto nila. Kaya 3 na kaming pumapalakpak. Tapos mga bandnag 7pm, sabi ng chairman, eddie V. rin daw sya. Kaya ang dami nanaming natutuwa pag-may boto kay Eddie. Nakita ko pa nga ang balota ng nanay ko. Kabisado ko ksi ang sulat-kamay niya.

10:30pm Halos 30 mins na puro FPJ ang boto. Tahimik na ko. Nalulungkot na kasi ako ng mga panahong iyon. Gusto ko mag-wala! Tapos, yung 3rd person biglang humirit. "ano ba ito puro FPJ! ayoko manalo to!" nagtawan kami, pati mga pollwatcher ni FPJ natawa. Tapos biglang Eddie V. ang sunod na boto, nagpalakpakan lahat, pati mga pro-FPJ.Lakas talaga ng impluwensya ko..hehe

11:15pm Binasa ang huling balota, at natapos ang bilangan.Si FPJ ang nanalo sa presinto namin. Inutusan ako ng chairman na asikasuhin ang pag-pirma ng lahat ng pollwatchers sa election returns. Pumirma kami sa gilid ng mga tally election returns, at nilagay ang thumb mark sa tabi nito. Para akong naiiyak nung ginagawa ko ito, para kasing sinasabi ko na kasama ako sa nagbantay ng pagbilang nito. Para sa future ko ito at ng mga magiging anak ko. Ang drama ko talaga.

11:35pmNagpaalam na ako sa mga kasama ko sa presinto. Lahat sila naka-ngiti sa akin at tinatanong kung paano ako uuwi. Nag-pasalamat sa akin ang chairman para sa tulong daw na gianwa ko. Sabi ko, "welcome po, ma'am, salamat din po sa sakripisyo nyo." wala na halos masakyan pauwi sa amin. Madilim na ang mga daan at wala ng tao. Masaya ako dahil naranasan kong maging pollwatcher. Madami akong natutunan, siguro next election magvovolunteer ulit ako. Tutal likas naman akong paki-alamera, edi makiaalam na, para naman sa bayan.

Give me a hug | Trackback
jam posted at 8:49 am

Monday, May. 17, 2004
Singing in the rain

It's raining hard outside so I decided to stop by the net cafe before going home. My brother is reformatting the laptop that's why I haven't been blogging lately. Actually my first option was to play under th rain at the sunken garden. But I had second thoughts because the rugby kids were already dancing in the rain. I don't want to be caught by the security guards as one of the rugby kids. Though sometimes I look like one.

It's our last day of summer class, just one more final exam and I'm off to my sister's place in Pampanga. But before that,I have a 'speaking engagement' on friday. The youth officers in our church invited me to speak about LOVE for the pleanary session of their summer overnight. I gave them a puzzled look when they asked me about it. Me? Speak about love?! I ask thge VP if I can just speak how evil men are..she told me that the guys will also be there. Sheesh.

I'm forced to behave and try not to brainwash them and just stick to the scriptures. I guess I'll focus more on the corinthians definition of love and highlight the 'love keeps no records of wrong' part. Because that's where God and I wrestled last year.

By the way, I want FPJ to win the elections. I'm still in the right mind. I just thought that if ever he wins, the philippines will dive into the lowest pit then we will be very despearte for God, then the Filipinos will learn to kneel and pray to God. I still believe God is not yet finish.

gosh, It's still raining, I can hear the heavy drops and the wind. I'm tempted to go out and have a crazy afternoon in the rain while singing Times of Refreshing...

Thursday, May. 27, 2004
wala akong maisip na title

Sakit ng ulo ko, just got back from pampangga this afternoon then went straight to Katipunan for an appointment. Naks. Ahead called me up and asked me to take the advance exam, nag-aaply kasi akong tutor. Bad trip and hirap, parang board exam. Yung unang exam, mga three weeks ago pranga upcat. YUng kanina 3times mas mahirap. Tungkol sa Algebra, Chemistry, Physics, Geometry at Language. Hirap pala mag-isip pag sobrang bakasyon ang isip. Hopefully makuha ako sa work para may extra income this sem, gusto ko kasi ng kotse. Hehehe (libre ang mangarap)

Sa mga nang-hahunting kung saan lupalop ako nag-tago after summer classes..sa pampanga po,isang sakay mula sa SM San Fernando. Binantayan ko kasi pamangkin ko. Enjoy mag-alaga ng toddler. Ang kulit! Lahat tinatanong, lahat pinapakialaman. Feeling ko isang buwan akong nawala, ang bagal kasi ng buhay sa province. Sobrang pranig ako sa ang tahimik na nga ng paligid, brown-out pa. Sabi ng ate ko, mag-muni-muni na lang daw ako. Ayun, punta ko sa farm, sa likod lang ng bahay ng ate ko. Ang sarap ng hangin..sariwang-sariwa. Naghabulan kami ng pamangkin ko at naglaro ng putik. Hay..life! Walang ganyan sa SM. Dami ko napag-isip isip sa bakasyon ko. For the first time, nanahimik at nagpahinga ako to-the-max. Next time na lang yung mga napagmuni-munihan ko...basta happiness and quietness ang life ko ngayon. Pero june na, may mga parting naring mga bagyo. Thanks pala kay kay artistmonk,te meigh, pepay, tarits, na nag-tag:) At pati sa laging nagbabasa ng blog ko (you-know-who-u-are) thanks.

Thursday, May. 30, 2002
song for the moment

IT IS YOUR LOVE

Nothing in this world can satisfy me
Jesus you alone can fill me up
I could gain the world and all its treasures
But all those things will never be enough

It is your love
It is your goodness
It is your kindness and compassion
That fills me up inside
It is your grace
Your tender mercy
It is your presence in my life that satisfy
-------

I can't remember all the lyrics but these are the words that has spoken to my heart. I have been going on circles as to what will happen to my life after college. I wanted to succeed in life. Like every body else, I want fame and fortune.

But as I was praying and asking God for His plan for my life. I heard this song two sundays ago, and it gave me the answer to my question. God is my inheritance. He is the only thing that can satisfy me. I've been very anxious of the things that are going in and out of my life. Changes that I can't stop. But God remained and will remain faithfull to me forever. That gives me the assurance of a bright future. Me and the lord, together forever..(Romans 8).

   4 comments

Term Papers
December 9, 2009   01:39 AM PST
 
Very good post. I have been searching for this post since many days. Now I have implemented the same for my site.
charm
February 28, 2006   03:07 PM PST
 
alm nyo my bestfriend ako hmmmm and halos sa isang bhy magkasama na tlga kme?????xempre cno ba kybigan mo na gusto mong umaliz pero ngaun wla na xa umalis sya na my sama ng loob sa akin sabbi nya nga MANHID ako d ko rw na nasasaktn cya sa lht ng pinaggagawa ko nagseselos din cya new friend ko ang hirp nya esplikahin and di ko alm kung ano ba ung nararmdamn nya nakakasakit na pla ako ng di ko pa alm di nya na man cinasabi
Jhenny F.
February 8, 2006   10:33 PM PST
 
your cool guys!
Jhenny
Jhenny F.
February 8, 2006   10:32 PM PST
 
your cool guys!
Jhenny

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments